Isinapubliko kamakailan ang magkasanib na pahayag ng mga Ministrong Panlabas ng Amerika, Australia, Canada, New Zealand, at Britanya, na humihiling sa pamahalaang Tsino na muling isaalang-alang ang pagsuspinde nito sa mga mambabatas ng Legislative Council ng Hong Kong, at agarang ibalik sa puwesto ang naturang mga mambabatas.
Kaugnay nito, ipinagdiinan sa presscon sa Beijing nitong Huwebes, Nobyembre 19, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat pamahalaan ang Hong Kong ng mga tauhang nagmamahal sa bansa at Hong Kong, at dapat ding alisin ang mga tauhang tumututol sa Tsina at nais guluhin ang Hong Kong. Makatwiran ito, aniya.
Ani Zhao, ipinahayag ng panig Tsino ang matinding kawalang-kasiyahan at matatag na pagtutol sa ilang kaukulang bansa na lantarang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig at nagsasalita ng kung anu-ano sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Salin: Lito
Tsina sa ilang bansang kanluran: Agarang itigil ang pakiki-alam sa mga suliranin ng Hong Kong
Desisyon hinggil sa HongKong, aprubado ng Pirmihang Lupon ng NPC
Tsina sa Amerika: Agarang itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong
Mariing pagtutol at pagkondena, ipinahayag ng Tsina sa sangsyon ng Amerika sa 4 na opisyal Tsino