Binuksan Biyernes, Nobyembre 20, 2020 ang Pandaigdigang Pulong ng “Pagka-unawa sa Tsina (Guangzhou)” sa taong 2020. Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pulong.
Tinukoy ni Xi na nakakaranas ang kasalukuyang daigdig ng walang kaparis na nagbabagong situwasyon.
Sinabi niya na ang biglang sumiklab na pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay muling nagpapakitang dapat buuin ng sangkatuhan ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran. Sa harap ng iba’t-ibang uri ng masalimuot at mahigpit na hamon, labis na kinakailangan ng buong sangkatauhan ang pagpapalakas ng kooperasyon para magkakasamang mapawi ang kahirapan at sumulong.
Salin: Lito
Pulido: Mac