Sa kanyang video speech sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-17 China-ASEAN Expo (CAEXPO) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS), na idinaos kahapon, Biyernes, ika-27 ng Nobyembre 2020, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang 4 na mungkahi tungkol sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinakikita nito ang buong tapat na hangarin ng Tsina sa patuloy na pagpapasulong ng kooperasyong Sino-ASEAN, at pagpapataas pa ng lebel ng relasyon ng dalawang panig.
Ang mga mungkahi ni Pangulong Xi ay sumasaklaw sa hindi lamang koordinasyon ng mga macro-strategy plan ng iba't ibang bansa at sa buong rehiyong ito, kundi rin mga konkretong kooperasyon sa mga aspektong gaya ng digital economy; pagdedebelop, pagpoprodyus, at paggamit ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Nakatuon ang mga mungkahi sa kapwa mga pangkagipitang isyu at pangmalayuang kooperasyon. Makakabuti ito sa pagtulong sa mga bansang ASEAN sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19, at pagpapasulong din sa pagbangon ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Liu Kai
Tsina at mga bansang ASEAN, palalalimin ang kooperasyon sa kapasidad ng produksyon at pamumuhunan
86 na proyektong nagkakahalaga ng 264 bilyong yuan na pamumuhunan, nilagdaan sa Ika-17 CAEXPO
Xi Jinping: Tsina at ASEAN, itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan
Xi Jinping, nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-17 CAEXPO at CABIS