Tsina at mga bansang ASEAN, palalalimin ang kooperasyon sa kapasidad ng produksyon at pamumuhunan

2020-11-28 15:45:02  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Biyernes, ika-27 ng Nobyembre 2020, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Porum ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tungkol sa Kooperasyon sa Kapasidad ng Produksyon at Pamumuhunan.

 

Tinalakay sa porum ang tungkol sa pagpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa kapasidad ng produksyon at pamumuhunan sa mga aspekto ng industrial chain at supply chain, digital economy, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa.

 

Ayon pa rin sa porum, sa ilalim ng kooperasyon sa kapasidad ng produksyon, maalwan ang takbo ng mga proyektong pangkooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN, na gaya ng daambakal sa pagitan ng Tsina at Laos, daambakal sa silangang baybaying-dagat ng Malaysia, haywey sa pagitan ng Phnom Penh at Sihanoukville ng Kambodya, Qinzhou Industrial Park at Kuantan Industrial Park ng Tsina at Malaysia, Sentro ng Promosyon ng Agrikultura ng Tsina at Kambodya, Muara Port sa Brunei, at iba pa.

Please select the login method