Sa taunang pulong ng China Financial Forum na idinaos kamakailan, sinabi ni Liu Guiping, Pangalawang Gobernador ng People's Bank of China, bangko sentral ng bansa, na maalwan ang pagbubukas sa labas ng pamilihang pinansyal ng Tsina, at hindi ito apektado ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Isinalaysay ni Liu, na pagpasok ng taong ito, sa ilalim ng pagbubukas sa labas ng pamilihang pinansyal ng Tsina, nagsimula o nagpalawak ng negosyo sa bansa ang Fitch Rating, American Express, Goldman Sachs, Morgan Stanley, at iba pang mga dayuhang institusyong pinansyal.
Ipinahayag din ni Liu, na sa susunod, patuloy na palalawakin ng kanyang bangko ang pagbubukas sa labas ng pamilihang pinansyal ng Tsina, ibayo pang bibigyang-ginhawa ang mga dayuhang mamumuhunan, at buong ingat na pasusulungin ang internasyonalisasyon ng RMB, o salaping Tsino.
Dagdag ni Liu, magbibigay ito ng bagong sigla at makakatulong sa pagdaragdag ng lakas-kompetetibo sa sektor pinansyal ng Tsina.
Salin: Liu Kai
Kauna-unahang diyalogo ng mga ministro ng pananalapi ng Tsina at Italya, ginanap sa Milan
Ibayo pang pagbubukas sa labas, tampok sa pambansang planong Tsino sa susunod na limang taon
Ika-30 anibersaryo ng pagdedebelop at pagbubukas ng distrito ng Pudong, Shanghai, ipinagdiwang
Tsina: Lalo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas