Pangangalaga sa pagpapatupad ng komprehensibong kasunduan, paunang kondisyon sa paglutas sa isyung nuklear ng Iran sa paraang pulitikal — Tsina

2020-12-02 15:10:28  CMG
Share with:

Ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Disyembre 1, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kahit  nagbabago ang situwasyon, ang patuloy na pangangalaga at pagpapatupad ng komprehensibong kasunduan ay dapat maging paunang kondisyon sa  anumang kalutasang pulitikal sa isyung nuklear ng Iran.
 

Ayon sa ulat, gaganapin sa Vienna sa Disyembre 16 ang Pulong ng Magkakasanib na Komisyon ng Komprehensibong Kasunduan ng Isyung Nuklear ng Iran. 
 

Ani Hua, ipapadala ng panig Tsino ang delegasyon sa nasabing pulong.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method