Espesyal na kinatawan ng pangulong Tsino: Ibabahagi ng Tsina sa buong mundo ang bakuna ng COVID-19

2020-12-04 16:30:55  CMG
Share with:

Sa espesyal na pulong ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) hinggil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) nitong Huwebes, Disyembre 3, Eastern Standard Time ng Amerika, bumigkas ng video speech mula sa Beijing si Wang Yi, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping at Ministrong Panbas ng Tsina.
 

Saad ni Wang, sa kasalukuyan, sumiklab ang bagong round ng pandemiya, at nasa kritikal na yugto ang pagpigil at pagkontrol sa pandemiya sa buong mundo.
 

Umaasa aniya siyang magbubuklud-buklod ang iba’t ibang panig, magpapalawak ng komong palagay, at magkakapit-bisig na magtutulungan.
 

Espesyal na kinatawan ng pangulong Tsino: Ibabahagi ng Tsina sa buong mundo ang bakuna ng COVID-19

Diin ni Wang, dapat buong tatag na pigilan ang pagkalat ng epidemiya, palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, koordinadong pasulungin ang pagpigil sa pandemiya at pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, pag-ibayuhin ang pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa, at likhain ang mainam na kapaligirang pandaigdig para sa paglaban sa pandemiya.
 

Dagdag niya, pinapabilis ng panig Tsino ang Phase III clinical trial ng mga bakuna ng COVID-19. Pagkaraang matapos ang pananaliksik at pagdedebelop, gagawing pandaigdigang produktong pampubliko ang mga bakuna, at aktibong ipagkakaloob ang mga ito sa mga umuunlad na bansa, para gawin ang ambag sa pagtatatag ng komunidad na pangkalusugan ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera

Please select the login method