António Guterres, nanawagang magbuklud-buklod ang buong mundo para labanan ang COVID-19

2020-12-04 11:45:47  CMG
Share with:

Nanawagan si Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN na magbuklud-buklod ang buong mundo, para pagtagumpayan ang pandemiya, sa espesyal na pulong ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) hinggil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) nitong Huwebes, Disyembre 3, 2020.
 

Ang nasabing pulong na ginaganap mula ika-3 hanggang ika-4 ng Disyembre ay kauna-unahang espesyal na pulong ng Pangkalahatang Asambleya ng UN kaugnay ng pandemiya.
 

Saad ni Guterres, dapat lutasin ang mga problemang idinulot ng pandemiya, palakasin ang sistema ng kalusugang pampubliko, at isakatuparan ang paggarantiya ng medical insurance ng lahat ng mga mamamayan at segurong panlipunan.
 

Aniya, dapat pag-ukulan ng pansin ng mga bagong pamumuhunan ang sustenableng pag-unlad at carbon neutrality.
 

Nanawagan siya sa mga maunlad na bansa na ipatupad ang kanilang pangako sa pagkakaloob ng 100 bilyong dolyares na pondo tuwing taon para sa pagharap ng mga umuunlad na bansa sa pagbabago ng klima.
 

Salin: Vera

Please select the login method