Ang bahagi ng P22 milyong pisong donasyon para sa mga Pilipinong nasalanta ng bayong Ulysses ay inihandog ng Tsina nitong Huwebes, Disyembre 3, 2020.
Tumanggap ng mga relief supplies si Mayor Edwin L. Olivarez ng Parañaque. At Pinasalamatan niya ang tulong mula sa Tsina.
Sa susunod, mas maraming lalawigan at lunsod na gaya ng Ilocos Norte, Camarines Sur, Bulacan, Cagayan at Isabella ang tatanggap ng mga tulong mula sa Tsina.
Matatandaang noong Nobyembre 20, ipinangako ng Tsina na higit P22 milyong pisong (tatlong milyong RMB) halaga ng relief supplies mula sa Tsina ang ibibigay sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Ang nasabing relief supplies ay kinabibilangan ng bigas, tarpaulin, tuwalya at maskara.
Sa seremonya ng paghahandog ng mga relief supplies, ipinahayag ni Embahador Huang Xilian ng Tsina ang pangungumusta sa mga apektadong mamamayang Pilipino. Inulit niyang palagiang nakahanda ang pamahalaang Tsinong tulungan ang pamahalaan ng Pilipinas at mga mamamayang Pilipino para tugunan ang anumang krisis pangkalikasan.
Noong nagdaang Nobyembre, ipinamigay ng Embahadang Tsino sa Pilipinas ang mahigit 7 milyong piso (isang milyong RMB) halaga ng relief supplies para sa halos 15,000 pamilya sa mga lalawigan ng Albay at Catanduanes na naapektuhan ng bagyong Rolly.
Ulat: Ernest
Pulido: Mac/Jade
Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas