Ministring Panlabas ng Tsina, mariing kinondena ang bagong desisyon ng Amerika para pigilan ang people-to-people exchanges

2020-12-08 12:00:15  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Lunes, Disyembre 7, 2020 sa Beijing, sinabi ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan at mariing kinokondena ng panig Tsino ang paghadlang ng Amerika sa people-to-people exchanges sa Tsina, at patuloy na isasagawa ang mga kinakailangang hakbangin, upang mapangalagaan ang sariling soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran.
 

Noong Disyembre 4, inanunsyo ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang pagpapataw ng visa restrictions sa mga opisyal ng United Front Work Department ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina (CPC). Samantala, isinapubliko rin niya ang pagputol sa 5 proyekto ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Amerika.
 

Kaugnay nito, tinukoy ni Hua na iginigiit ng ilang puwersang kontra Tsina sa Amerika ang kaisipan ng cold war. Tinatangka nilang gisingin ang alitang ideolohikal ng kapuwa panig, at ibayo pang sirain ang relasyong Sino-Amerikano.
 

Ang ganitong kilos ay taliwas sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at salungat sa agos ng panahon. Tiyak itong mabibigo, dagdag ni Hua.
 

Salin: Vera

Please select the login method