Sa isang pandaigdigang porum hinggil sa siyensiya na ginanap nitong Martes, Disyembre 8, 2020, ipinagdiinan ni Zhong Nanshan, kilalang academician ng Chinese Academy of Engineering (CAE) at recipient ng Medalya ng Republika, na ang tumpak na kaisipan sa pagpigil at pagkontrol at mabisang hakbanging pamprebensyon ay mga pundasyon ng paggarantiya sa bunga ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Aniya, dapat igiit ang ideya ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, upang resolbahin ang mga pundamental na siyentipikong problema kaugnay ng coronavirus.
Sa ilalim ng temang “Science in an Uncertain World,” lumahok sa porum ang 10 Nobel Prize laureates, 30 iskolar ng mga sciences academy sa loob at labas ng Tsina, at 300 kinatawan ng mga organisasyon ng siyensiyang panlipunan at mga kabataang siyentipiko.
Magkakahiwalay na inilahad ng mga Nobel Prize laureates ang kani-kanilang pananaw hinggil sa malubhang krisis na pampubliko, pagpapataas ng kamalayang pansiyensiya ng mga mamamayan, pagpapahalaga sa kagustuhang magsanay ng mga kabataan sa siyensiya at iba pang paksa.
Sa kanyang talumpati sa porum, tinukoy ni Shen Haixiong, Presidente at Editor-in-Chief ng China Media Group (CMG), na ang media ay mahalagang tsanel para sa pagtanggap ng impormasyong pansiyensiya’t panteknolohiya ng mga mamamayan, at ito rin ay mahalagang plataporma sa pagmumungkahi ng paraang siyentipiko, at pagpapalaganap ng kaisipan at diwang pansiyensiya.
Sa pamamagitan ng mabisang pagpapalaganap ng mga kaalamang pansiyensiya, gagawin ng CMG ang mas malaking ambag para sa pagpapataas ng kamalayang pansiyensiya ng sangkatauhan, dagdag ni Shen.
Salin: Vera