Inanunsiyo nitong Miyerkules, Disyembre 9, 2020 ng United Arab Emirates (UAE) ang opisyal na rehistrasyon ng bakuna ng COVID-19 na idinebelop ng China National Pharmaceutical Group, o Sinopharm.
Sa isang pahayag ng Ministri ng Kalusugan at Prebensyon ng UAE, sinabi nitong ang pag-aaproba sa opisyal na rehistrasyon ng nasabing bakuna ay boto ng kompiyansa sa seguridad at bisa ng bakuna ng Sinopharm.
Anang pahayag, ipinakikita ng pag-aanalisa sa Phase III clinical trial na umaabot sa 86% ang efficacy ng nasabing bakuna laban sa COVID-19. Bukod dito, maliwanag din na walang grabeng nakatagong panganib ang bakunang ito.
Salin: Vera
Unang pangkat ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Tsina, tanggap na ng Indonesya
Espesyal na kinatawan ng pangulong Tsino: Ibabahagi ng Tsina sa buong mundo ang bakuna ng COVID-19
Pagbabakuna ng COVID-19 sa EU, sisimulan bago ang magtapos ang 2020
5 bakuna ng Tsina kontra COVID-19, nasa phase III clinical trial sa maraming bansa
Xi Jinping: Pasusulungin ang kooperasyon ng BRICS sa paglikha ng bakuna