Sa pamamagitan ng video link, ginanap nitong Miyerkules, Disyembre 9, 2020 ang Ika-11 Di-pormal na Pulong ng mga Ministrong Pandepensa ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag dito ni Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa harap ng epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kumakatig sa isa’t isa at nagtutulungan ang Tsina at mga bansang ASEAN, bagay na nagpapakita ng malalimang pagkakaibigan ng kapuwa panig.
Saad ni Wei, walang humpay na lumalalim ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa mga suliraning pandepensa at seguridad, at ito ay nagsisilbi bilang modelo ng rehiyonal na kooperasyong panseguridad.
Aniya, may katalinuhan at kakayahan ang mga bansa sa rehiyon na maayos na hawakan ang isyu ng South China Sea, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katahimikan ng karagatang ito.
Nakahanda ang hukbong Tsino na palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa mga hukbo ng iba’t ibang bansang ASEAN, at magkakasamang harapin ang iba’t ibang panganib at hamong panseguridad, dagdag ni Wei.
Hinahangaan naman ng mga ministrong pandepensa ng ASEAN ang aktibong pagsasagawa ng kooperasyong pandepensa ng panig Tsino.
Nakahanda anila silang pangalagaan, kasama ng Tsina, ang katatagan ng kalagayan sa South China Sea, at magkakasamang ipagtanggol ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon.
Salin: Vera