Sa regular na preskon sa Beijing nitong Huwebes, Disyembre 10, 2020, sinabi ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagkakabit ng Xinjiang ng mga kamera sa ilang pampublikong lugar, alinsunod sa batas ay hindi nakakatuon sa espisipikong grupong etniko. Layon nitong pataasin ang lebel ng pangangasiwa sa lipunan, at mabisang pigilan at bigyang-dagok ang krimen.
Ayon sa ulat, noong Disyembre 8, ipinadala ni Republican Senator Marc Rubio ng Amerika at ng ilang kinatawan ang mga liham sa mga Chief Executive Officers (CEO) ng Intel Corporation at NVIDIA, kung saan hiniling sa kanila na ipagkaloob ang mga impormasyong may kinalaman sa pagbebenta ng sulong na computer chips sa Tsina. Inaalam din ng sulat sa nasabing dalawang kompanya kung alam ba nilang gagamitin ng panig pulisya ng Tsina ang nasabing mga computer chips sa malawakang surveillance ng mga mamamayan ng lahing Uygur sa Xinjiang, at kung isasagawa ba o hindi ang mga hakbangin para pigilan ang paggamit ng kanilang produkto para sa paglabag sa karapatang pantao at pagsasapanganib sa pambansang seguridad.
Kaugnay nito, saad ni Hua, laging hinahanap ni Rubio ang personal na kapakanang pulitikal, sa pamamagitan ng paglaban sa Tsina, at wala siyang anumang integridad na pulitikal.
Dagdag niya, ang pagpapataas ng lebel ng pangangasiwa sa lipunan, sa pamamagitan ng mga modernong produktong pansiyensiya’t panteknolohiya at big data ay unibersal na aksyon sa daigdig, at hindi eksepsyon dito ang Amerika. Sa katunayan, ang pagkakabit ng mga kamera sa mga pampublikong lugar, alinsunod sa batas ay nagpapalakas ng seguridad ng lipunan, at unibersal na sinusuportahan ito ng mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad.
Salin: Vera
9.98 milyong taga-Xinjiang, nakabitan ng Intelligent Electricity Meter
Pahayag ng Canadian Ambassador to the UN hinggil sa genocide sa Xinjiang, pinabulaanan ng Tsina
Mga nayon sa 17 lalawigan at lunsod ng Tsina, nai-ahon sa ganap na kahirapan
Hong Kong: Diplomatang Amerikano, dapat may valid visa kung pupunta sa Hong Kong