CMG Komentaryo: Pag-unlad, susi sa pagresolba sa isyu ng karalitaan

2020-11-24 17:57:48  CMG
Share with:

Sanhi ng epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagaganap ang resesyon sa kabuhayang pandaigdig.
 

Ayon sa pagtaya ng World Bank (WB), tataas ang extreme poverty rate ng buong mundo sa taong 2020. Ito ang magiging kauna-unahang pagtaas ng nasabing datos nitong nakalipas na 20 taon. Samantala, muling babalik sa karalitaan ang 150 milyong populasyon sa daigdig, dahil sa pandemiya. Kinakaharap ng komunidad ng daigdig ang problemang kung paanong balanseng hahawakan ang mga tungkulin ng paglaban sa pandemiya, pagpapatatag ng kabuhayan at paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan, at kung paanong pasusulungin ang pagsasakatuparan ng target ng pagbabawas ng karalitaan ng daigdig.
 

Sa kanyang talumpati sa Session II ng Ika-15 G20 Leaders' Summit sa pamamagitan ng video link, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang pananaw sa isyu ng sustenableng pag-unlad. Ipinagdiinan niyang ang pag-unlad ay susi para resolbahin ang isyu ng karalitaan.
 

Diin ni Xi, dapat ilagay sa mas namumukod na posisyon sa global macro-policy coordination ang agendang pangkaunlaran. Iniharap din niya ang tatlong paninindigan na kinabibilangan ng paggigiit sa ideya ng pagpapauna ng kaunlaran, pagsasagawa ng komprehensibo’t balanseng patakaran at hakbangin, at paglikha ng magandang pandaigdigang kapaligirang ekonomiko.
 

Iniharap din ng Tsina ang isang serye ng mga konkretong mungkahi hinggil sa pagpapasulong sa pagbabawas ng karalitaan ng buong mundo. Kabilang dito ay pagkakaloob ng kinakailangang suporta sa pangingilak ng pondo sa mga umuunlad na bansa, pagpapasulong sa konstruksyon ng imprastruktura at konektibidad, pagbabawas ng hadlang sa kalakalan, pagpapatingkad ng papel ng digital economy sa pagbabawas ng karalitaan at iba pa.
 

Nitong Lunes, Nobyembre 23, 2020, nakahulagpos sa kahirapan ang lahat ng mahihirap na bayan sa buong Tsina. 10 taon na mas maagang naisakatuparan ng Tsina ang target ng pagpawi sa absolute poverty, at papasok ito sa bagong yugto ng pag-unlad.
 

Ibayo pang patitingkarin ng Tsina ang sariling bentahe, para tulungan ang mga umuunlad na bansa sa pagpapataas ng kakayahan sa sarilinang pag-aahon ng kahirapan, at itatag ang isang magandang daigdig na nakaalpas sa kahirapan at may komong kaunlaran.
 

Salin: Vera

Please select the login method