Ayon sa ulat na inilabas kahapon, Lunes, ika-14 ng Disyembre 2020, ng Chinese Academy of International Trade and Economic Cooperation, sapul nang itatag noong 2013 ang unang pilot free trade zone ng Tsina hanggang noong katapusan ng 2019, bumaba mula 190 hanggang sa 37 ang bilang ng mga aytem sa negatibong listahan para sa pagpasok ng pamumuhunang dayuhan sa naturang mga sona.
Ibig sabihin, mahigit sa 80% ng mga restrikyon ang inalis. Ipinakikita nito ang mas malawak na pagbubukas sa labas ng Tsina.
Ayon pa rin sa ulat, sa panahong iyon, pinalaganap sa buong bansa ang 260 hakbangin ng reporma, na nabuo sa subok-operasyon sa mga pilot free trade zone ng Tsina.
Salin: Liu Kai
Pagbangon ng kabuhayang Tsino, makikita sa lumalaking cargo transportation index
Mga kompanyang dayuhan, may kompiyansa sa prospek ng kabuhayang Tsino—Ministring Panlabas ng Tsina
Presyo ng mga bilihin at produksyong industriyal ng Tsina, kapuwa matatag
Pagbubukas sa labas ng pamilihang pinansyal ng Tsina, hindi apektado ng pandemiya ng COVID-19
Tsina: Lalo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas