CMG Komentaryo: Elemento ng katatagan, nais idulot ng Tsina sa daigdig

2020-12-21 15:22:44  CMG
Share with:

Idinaos kamakailan, sa Beijing, ang taunang Sentral na Pulong sa Gawaing Pangkabuhayan ng Tsina, kung saan nilagom ang gawaing pangkabuhayan sa 2020 at isina-ayos ito para sa 2021.

 

Ayon sa pulong, ang pagpapanatili ng katatagan ay magiging pangunahing tungkulin ng mga makro-polisya ng Tsina sa 2021, para isakatuparan ang paglaki ng kabuhayan at pigilin ang mga panganib.

 

Bagama’t bumabangon ngayon ang kabuhayang Tsino mula sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), komplikado pa rin ang kalagayan sa 2021.

 

Ang pagsasagawa ng walang pagbabago, matatag, at sustenableng mga makro-polisya ay magbibigay ng mga elemento ng katatagan sa tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayan sa susunod na taon.

 

Habang patuloy pananalasa ng COVID-19 sa buong mundo, ang paglago ng kabuhayang Tsino ay apektado rin ng tunguhin pandaigdigang kabuhayang lipos ng mga elemento ng kawalang-katatagan.

 

Ang matatag na industrial chain at supply chain ng Tsina at ibayo pang pagpapalawak ng pamilihang Tsino ay makakatulong sa pagbangon ng kabuhayan ng ibang mga bansa.

 

Sa harap ng COVID-19, mahalaga ang kapwa pagkontrol sa pandemiya at pagpapanatili ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Sa pamamagitan ng mga matatag na patakaran at hakbangin, may pag-asang makakahulagpos sa lalong madaling panahon ang mga mamamayan ng daigdig sa kahirapang dulot ng pandemiya, at babalik sa normal na pamumuhay ang lahat.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method