Ipinatalastas nitong Miyerkules, Disyembre 23, 2020 ng Butantan Institute ng Brazil na epektibo ang bakunang “CoronaVac” na idinebelop ng Sinovac Biotech ng Tsina.
Ayon kay Dimas Covas, Direktor ng nasabing instituto, batay sa datos ng clinical trail ng nasabing bakuna, ang episiyensya nito ay lumampas na sa pinakamababang digri para sa pag-aaplay ng pangkagipitang paggamit sa Brazil at Tsina.
Tinaya niyang matatapos ang ibayo pang pag-aanalisa sa resulta ng clinical trail pagkaraan ng 15 araw.
Ang Phase III clinical trail ng CoronaVac ay isinasagawa sa Brazil, Indonesia, Turkey at Chile. Ayon sa Butantan Insitute, dahil kailangang ibayo pang analisahin ang mga datos ng clinical trail, sa kasalukuyan, di-maaaring isapubliko ang konkretong datos ng episiyensya nito.
Salin: Vera