"Maganda ang kalagayan ko," - kauna-unahang taga-Montenegro na ini-iniksyunan ng bakuna kontra COVID-19 ng Tsina

2020-12-23 18:01:45  CMG
Share with:

"Maganda ang kalagayan ko," - kauna-unahang taga-Montenegro na ini-iniksyunan ng bakuna kontra COVID-19 ng Tsina

Nakakatawag ngayon ng pansin ng mga mamamayan ng Montenegro ang kanilang kababayan na si Aleksandar Kovacevic, bilang kauna-unahang taga-Montenegro na ini-iniksyunan ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ng Tsina.

 

Ayon sa ulat ng media ng Montenegro, nagtatrabaho si Kovacevic sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

 

Pagkaraang opisyal na aprobahan sa bansang ito ang bakuna kontra COVID-19 ng Sinopharm ng Tsina, ini-iniksyunan nitong Disyembre 16 si Kovacevic ng unang dose ng bakuna. At nakatakdang iniksyunan siya ng ikalawang dose sa darating na Enero 4.

 

Sinabi ni Kovacevic sa media, na maganda ngayon ang kanyang kalagayan.

 

Ayon pa rin kay Kovacevic, ini-iniksyunan din ng bakuna ng Sinopharm ang kanyang mga kasamahang taga-Amerika, at maganda rin ang kanilang kalagayan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method