5 COVID-19 vaccine ng Tsina, sumasailalim sa phase III clinical trial

2020-12-17 10:45:00  CMG
Share with:

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Zheng Zhongwei, Direktor ng Sentro ng Pananaliksik sa Siyensiya’t Teknolohiya ng Medisina at Kalusugan ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, na sa kasalukuyan, 5 bakuna ng Tsina kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang sumasailalim sa phase III clinical trial -  isang masusing yugto ng  pagsubok-yari tungo sa pinal na bersyon ng bakuna.

 

Aniya, nasa unang hanay sa buong daigdig ang Tsina sa aspekto ng pagsubok-yari ng bakuna.

 

Sinabi ni Zheng na sa proseso ng pagtasa ng bakuna, kinakailangan ang maraming index na kinabibilangan pangunahin na, kaligtasan, epektibidad, aksesibilidad, at abot-kayang presyo.

 

Sa kasalukuyan, handa na ang Tsina para sa malawakang pagpoprodyus ng mga bakuna, dagdag pa niya.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method