CMG Komentaryo: Pagbubukas sa labas ng Tsina, magdudulot ng lakas para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig

2020-12-28 11:42:29  CMG
Share with:

Sa ilang okasyon sa taong ito, ipinangako ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang patuloy na pagpapalawak at pagpapalalim ng pagbubukas sa labas ng Tsina sa maraming aspekto.

 

Bukod dito, nanindigan din siya para pasulungin ang komong pagbubukas ng iba't ibang bansa, para isakatuparan ang komong pag-unlad.

 

Ang pamilihan ng Tsina ay magiging pamilihan ng daigdig at ito ay pinaka-direktang pagkakataong idudulot ng bansa sa pamamagitan ng pagbubukas sa labas.

 

Samantala, sa pulong kamakailan ng liderato ng Tsina tungkol sa mga gawaing pangkabuhayan sa susunod na taon, itinakda rin ang mga plano sa aspekto ng pagbubukas sa labas.

 

Halimbawa, ibayo pang bubuuin ang kapaligirang pangnegosyo batay sa mga tuntunin ng pamilihan, batas, at pandaigdigang pamantayan.

 

Aktibo ring pag-aaralan ang tungkol sa pagsapi sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership.

 

Sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, tinutupad ng Tsina ang pangako sa ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.

 

Ito ay magdudulot ng lakas para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at magbibigay ng ambag para sa pagtatatag ng bukas na pandaigdigang kabuhayan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method