Sa regular na preskon nitong Lunes, Disyembre 28, 2020, sinabi ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kalagayan ng resesyon ng kabuhayang pandaigdig, lumaki ang pangkalahatang laang-gugulin ng panig Tsino sa mga proyekto ng Belt and Road na kinabibilangan ng China-Pakistan Economic Corridor (CPEC).
Winika ito ni Zhao bilang tugon sa ulat ng Indian media na parami nang paraming palatandaan ang nagpapakitang unti-unting itinatakwil ng Tsina ang pangako sa pagbibigay-pondo sa Pakistan, ayon sa CPEC.
Saad ni Zhao, walang anumang batayan ang ulat ng kaukulang media. Buong tatag ang determinasyon ng panig Tsino’t Pakistani sa pagpapasulong sa kontruksyon ng CPEC, at maliwanag ang prospek ng nasabing koridor.
Dagdag niya, noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, lumaki ng halos 30% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang di-pinansyal na direktang pamumuhunan ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Ipinagkaloob din sa kanila, sa abot ng makakaya, ang tulong at suporta para sa paglaban sa pandemiya at pagpapanumbalik ng kabuhayan.
Salin: Vera