Nagsimula nitong Biyernes, Enero 1, 2021, sa maraming lugar ng Tsina ang pag-i-iniksiyon ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mga high-risk group.
Sa Beijing, kabisera ng bansa, nagsimula na rin ang pag-i-iniksiyon sa 9 na uri ng high-risk group na kinabibilangan ng mga community worker sa edad na 18 hanggang 59, mga trabahador sa ibayong dagat, mga manggagawa sa puwerto at iba pa.
Sa kasalukuyan, may 220 istasyon ng pag-i-iniksiyon ng bakuna sa Beijing, at maayos na umuusad ang iba’t ibang masusing gawain.
Mula noong Enero 1 hanggang Enero 2, 73,537 dosis ng bakuna laban sa COVID-19 ang nagamit na sa Beijing, at walang anumang na-i-ulat na kaso ng adverse reaction.
Salin: Vera