Ehipto, inaprobahan ang pangkagipitang paggamit ng COVID-19 bakuna ng Sinopharm

2021-01-03 18:16:17  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Sabado, ika-2 ng Enero 2021, ni Hala Zayed, Ministro ng Kalusugan ng Ehipto, na opisyal na inaprobahan ng kanyang bansa ang pangkagipitang paggamit ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Sinopharm ng Tsina.

 

Dumating noong Disyembre 10, 2020, sa Ehipto, ang unang pangkat ng mga bakuna ng Sinopharm.

 

Sinabi ni Zayed, na isinagawa ng Egyptian Drug Authority ang apat na pagsusuri sa mga bakunang ito, at ipinakikita ng resulta, na ligtas ang lahat ng mga bakuna.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method