Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 33 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Lunes, Enero 4, 2021.
Kabilang dito, 17 ang domestikong kaso (14 sa Lalawigang Hebei, 2 sa Lalawigang Liaoning, at 1 sa Beijing). Samantala, 16 ang nagpositibo na galing sa labas ng bansa.
Walang pumanaw sa araw na ito, at wala ring bagong pinaghihinalaang kaso.
Hanggang magha-hating gabi ng Enero 5, 432 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
Salin: Vera
83,322,449, kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo
8 lokal na kumpirmadong kaso ng COVID-19, naiulat sa Chinese mainland nitong Enero 2
Kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Amerika, lumampas sa 350 libo
Ehipto, inaprobahan ang pangkagipitang paggamit ng COVID-19 bakuna ng Sinopharm