Tsina, inilunsad ang mga pilot rules ng pambansang carbon emission trading

2021-01-06 15:59:02  CMG
Share with:

Inilunsad nitong Martes, Enero 5, 2021 ng Ministri ng Ekolohiya at Kapaligran ng Tsina ang mga pilot rules ng pambansang carbon emission trading scheme.
 

Ayon sa nasabing ministri, noong Enero 1, nagsimula ang unang bahagi ng pagpapatupad at tatagal ito hanggang Disyembre 31. Kasali rito ang 2,225 kompanya sa sektor ng paggawa ng koryente ng bansa.
 

Ang pagbabago ng klima ay matinding hamong kinakaharap ng buong sangkatauhan. Nitong nakalipas na ilang taon, aktibong hinaharap ng Tsina ang pagbabago ng klima, at walang humpay na pinapasulong ang pagbabago ng low-carbon at malinis na enerhiya.
 

Sinabi ng kaukulang namamahalang tauhan ng ministring ito na kasabay ng walang humpay na pagkukumpleto ng pamilihan ng karbon ng bansa, magpapatingkad ito ng positibong papel sa pagsasakatuparan ng target ng bansa sa carbon neutrality.
 

Salin: Vera

Please select the login method