Xi Jinping, isinaayos ang gawaing pangkabuhayan sa 2021

2020-12-19 07:48:31  CMG
Share with:

Xi Jinping, isinaayos ang gawaing pangkabuhayan sa 2021

Idinaos mula Disyembre 16 hanggang 18, 2020, sa Beijing, ang taunang Sentral na Pulong sa Gawaing Pangkabuhayan ng Tsina, kung saan nilagom ang gawaing pangkabuhayan sa 2020 at pagsasaayos nito para sa 2021.

 

Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa taong ito, sa kabila ng mga hamon sa loob at labas ng bansa, maagang nakontrol ng Tsina ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at matagumpay na pinapanatili ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Natamo aniya ng Tsina ang tagumpay sa pagpawi ng karalitaan, at malapit na sa pagsasakatuparan ng pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas.

 

Hiniling ni Xi, na isagawa ng Tsina sa 2021 ang walang pagbabago, matatag, at sustenableng mga makro-polisya, para pasulungin ang tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayan at de-kalidad na kaunlaran.

 

Iniharap din niya ang walong pangunahing gawain sa 2021, na kinabibilangan ng:

 

pagpapalakas ng estratehikong puwersang pansiyensiya at panteknolohiya,

 

pagbuo ng mas nagsasarili at nakokontrol na industrial supply chain,

 

paggigiit sa estratehikong batayan ng pagpapalawak ng pangangailangang domestiko,

 

komprehensibong pagpapasulong ng reporma't pagbubukas sa labas,

 

paggarantiya sa kaligtasan ng pagkain,

 

paglaban sa monopolyo at di-maayos na paglawak ng puhunan,

 

maayos na paghawak ng problema sa pabahay sa malalaking lunsod,

 

at buong sikap na pagsasakatuparan ng mga target sa pagbabawas ng emisyon ng carbon dioxide.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method