Ibinalita nitong Enero 3, 2021, ng pamahalaan ng Indonesya, ang planong pagbabakuna sa buong bansa ng 3 milyong dosis ng bakunang Sinovac. Ito ay bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na dinebelop ng Tsina.
Ayon sa Ministri ng Kalusugan ng Indonesya, nakatakdang simulan ang pagbabakuna sa ikalawa o ikatlong linggo ng buwang ito. Umaasa silang mababakunahan ang 181.5 milyong mamamayan, bago ang Marso ng taong 2022.
Tiwala rin ang naturang ministri sa bisa ng bakuna ng Sinovac. Anito, inisyal na ipinakikita ng clinical trial sa Indonesya, na epektibo ang bakunang ito.
Salin: Liu Kai
Tsina: Lubos na pinapahalagahan ang bisa at kaligtasan ng bakuna kontra COVID-19
Ehipto, inaprobahan ang pangkagipitang paggamit ng COVID-19 bakuna ng Sinopharm
Conditional approval, ibinigay ng Tsina sa unang sariling-debelop na bakuna kontra COVID-19
Unang pangkat ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Tsina, tanggap na ng Indonesya