Kasunduang komersyal ng Samal Island-Davao City Connector Project na popondohan ng Tsina, nilagdaan

2021-01-14 16:47:22  CMG
Share with:

Maynila, Enero 14, 2021 - Nilagdaan ngayong araw ng isang bahay-kalakal ng Tsina at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kasunduan hinggil sa pagtatayo ng Samal Island-Davao City Connector Project.

 

Kasunduang komersyal ng Samal Island-Davao City Connector Project na popondohan ng Tsina, nilagdaan_fororder_微信图片_20210114160222

 

Nagkakahalaga ng halos $US400 milyong dolyares, ang proyektong ito na popondohan ng Tsina ay mahalagang bunga ng kooperasyon ng mga pamahalaan ng Tsina at Pilipinas at isang flagship project sa ilalim ng“Build, Build, Build”program ng Pilipinas.

 

Layon ng Samal Island-Davao City Connector Project, na pabutihin ang kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan sa lokalidad at pasiglahin ang nakatagong lakas ng turismo sa Samal Island.

 

Kasunduang komersyal ng Samal Island-Davao City Connector Project na popondohan ng Tsina, nilagdaan_fororder_微信图片_202101141602221

 

Ang proyektong ito ay isang two-way at four-lane na tulay, na may habang 3.86 kilometro, na itatayo sa pagitan ng Island Garden City ng Samal at Davao City at tatawid sa Pakiputan Strait.

 

Animnapung (60) buwan o limang taon ang itatagal ng pagtatayo ng nasabing proyekto, na kinabibilangan ng panahon ng pagdidisenyo at konstruksyon.

 

Sa sandaling makumpleto, paiikliin nito ang oras ng biyahe at komunikasyon sa pagitan ng Samal Island at Davao City.

 

Sa susunod na yugto, magsasanggunian ang mga pamahalaan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa kasunduan ng pautang.

 

Tinatayang magsisimula ang konstruksyon ng proyekto sa unang hati ng 2021.

 

Nauna rito, pinirmahan ng dalawang bansa ang kasunduan hinggil sa pagkakaloob ng Tsina ng halos $US60 milyon sa Pilipinas para sa proyekto ng Davao River Bridge. Inilaan din ng pamahalaang Tsino ang pondo para sa pagtatayo ng Binondo-Intramuros Bridge at Estrella-Pantaleon Bridge sa Manila.

 

Ulat: Ernest

Pulido: Rhio/Jade 

Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas 

 

Please select the login method