Nilagdaan Disyembre 9, 2020 ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kasunduan hinggil sa pagkakaloob Tsina ng halos $US60 milyon sa Pilipinas para sa proyekto ng Davao River Bridge.
Ang Davao River Bridge ay itatayo sa Distrito ng Bucana na matatagpuan sa bibig ng Ilog Davao at ito ang magdurugtong sa silangan at kanlurang pampang ng nasabing ilog.
Ang two-way at four-lane, na tulay ay may habang 477 metroat magiging mahalagang bahagi ng high-standard highway network ng lunsod Davao.
Sa sandaling makumpleto, maseserbisyuhan ng Davao River Bridge ang mahigit sa 15,000 sasakyan kada araw at inaasahang makakapagbigay ng malaking tulong sa pagpapahupa ng mabigat na daloy ng trapiko sa lunsod.
Tinatayang sisimulan ang konstruksyon ng proyektong ito sa taong 2021 at ito ay tatagal nang halos 30 buwan.
Ang pamahalaan ng Pilipinas ang mamamahala sa gawaing teknikal at mangangasiwa sa mga gawain ng proyekto sa buong proseso ng konstruksyon.
Nauna rito, inilaan din ng pamahalaang Tsino ang pondo para sa pagtatayo ng Binondo-Intramuros Bridge at the Estrella-Pantaleon Bridge sa Manila.
Ulat: Ernest Wang