Kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa mga proyektong pangkooperasyon at kalakalan, mabunga

2020-12-11 14:11:44  CMG
Share with:

Kahit malubha ang hamon ng epidemiya ng COVID-19, hanggang sa kasalukuyan, nakumpleto na ang 11 proyekto sa pagitan ng mga pamahalaan ng Tsina at Pilipinas na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot, paglaban sa terorismo, seguridad ng pagkain-butil at iba pa. Isinasagawa ang anim na proyekto at pinapasulong ang pagpapaplano ng 18 iba pang proyektong may kinalaman sa imprastruktura at pamumuhay ng mga mamamayan na gaya ng pambansang lansangan, daam-bakal, pagkontrol sa baha at patubig.
 

Ito ang ipinahayag kamakailan ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas.
 

Aniya pa, ayon sa datos ng panig Pilipino, noong nagdaang Setyembre, ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Pilipinas sa Tsina ay umabot sa 1.22 bilyong Dolyares na lumaki ng 43.3% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2019, at ang Tsina ay naging pinakamalaking export market ng Pilipinas. Binago nito aniya ang tunguhin sa halaga ng pagluluwas ng Pilipinas bawat buwan mula sa pagbaba patungo sa paglaki. Dagdag pa niya, noong nagdaang tatlong kuwarter ng taong ito, ang Tsina ay nananatili pa ring pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.
 

Sinabi ni Huang na ayon sa partial data, ang mga kumpanya ng Tsina sa Pilipinas ay nagkaloob ng halos 40 libong hanap-buhay para sa mga Pilipino sa lokalidad. Ang bilang na ito aniya ay lumampas sa 92% ng kabuuang bilang ng mga manggagawa ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Pilipinas. Sinabi pa ni Huang na sapul nang sumiklab ang epidemya ng COVID-19, ang naturang mga bahay-kalakal ay aktibong nag-donate ng mga pondo at material na medikal para tulungan ang gawaing pagpuksa ng Pilipinas sa epidemiya.

 

Ulat: Ernest

Pulido:Mac/Jade

Web-edit: Lito

 

Please select the login method