Wang Yi, dumating na sa Pilipinas

2021-01-16 09:19:26  CMG
Share with:

Dumating ng Manila nitong Biyernes, Enero 15, 2021 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina para sa kanyang 2 araw na pagdalaw sa Pilipinas. 

Ayon sa pahayag na inilabas ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, magkakaroon ng bilateral na pag-uusap sina Teodoro Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas at Wang Yi para talakayin ang tungkol sa pagpapalakas ng mapagkaibigang kooperasyong Pilipino-Sino, lalong lalo na, sa 3 larangang kinabibilangan ng kalakalan at pamumuhunan, konstruksyon ng imprastruktura, at pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19.

Bukod dito, bibisitahin din Enero 16 ni Wang Yi si Pangulong Rodrigo Duterte.

Salin: Lito

Pilido: Mac

Please select the login method