Sa naganap na puwersahang pagpasok sa Capitol ng Amerika, magkaiba ang pakikitungo ng panig pulisya ng Amerika sa mga Caucasian demonstrators kumpara sa marahas na pagpigil sa mga tagasuporta ng “Black Lives Matter” nitong nagdaang Hunyo.
Tinukoy ng Cable News Network (CNN) ng Amerika na ang ugat ng magkaibang atityud ng panig pulisya sa mga Caucasian at African-American ay rasismo at white supremacy na umiiral nang mahabang panahon sa Amerika.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nakukuha ng mga minoryang grupo ang legal na status sa Amerika, nakikita ang rasismo sa iba’t ibang porma na gaya ng di-makatarungang pagpapatupad ng batas, agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, pagkakaiba sa segurong medikal at iba pa.
Sa katunayan, maraming paraan ang maaaring gamitin ng pamahalaang Amerikano para sa pangangalaga ng karapatan ng mga taong hindi nabibilang sa lahing Caucasian na gaya ng Civil Rights Act, Voting Rights Act at Affirmative action. Pero ang ganitong mababaw na mga pamamaraan ay humatong lamang sa mas malalim na pagkakawatak-watak ng lipunan.
Kung itatanggi ng awtoridad ng Amerika ang pag-ako ng sisi sa ugat ng rasismo na gaya ng elementong historikal, di-pagkakapantay-pantay ng kabuhayan at lipunan, estrukturang pulitikal at iba pa, pangmatagalang hahadlangan nito ang pag-unlad ng lipunan ng Amerika.
Salin: Vera
CMG Komentaryo: Sistemang medikal base sa pera, sinisira ang mga mamamayan ng Amerika
Mga naganap sa Capitol nitong Enero 6, isinalaysay ng reporter na nakasaksi sa karahasan
245 libong trabaho, nawala sa Amerika dahil sa trade war nito sa Tsina
Karahasan sa Capitol, nagpapakita ng pagbagsak ng demokrasiya ng Amerika