Indonesya, magagawa ang bakuna kontra COVID-19 pagkaraang ilipat ng kompanyang Tsino ang teknolohiya

2021-01-20 18:06:44  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ng tagapagsalita ng Bio Farma, kompanyang tagagawa ng bakuna na ari ng estado ng Indonesya, na hindi lamang ipinagkaloob ng panig Tsino sa Indonesya ang mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kundi inilipat din ang teknolohiya ng paggawa ng bakuna.

 

Anang tagapagsalita, sa pamamagitan nito, magagawa ng Indonesya ang bakuna kontra COVID-19.

 

Ayon pa sa ulat, sinimulan noong Enero 14, 2021, sa Indonesya ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19, at ang ginagamit ay bakuna ng Sinovac ng Tsina.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method