Ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo at State Administration of Foreign Exchange ng Tsina, umabot sa 132.94 bilyong dolyares (o 916.97 bilyong yuan RMB) ang kabuuang halaga ng Outbound Direct Investment (ODI) ng Tsina noong 2020, at ito ay lumaki ng 3.3% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, 110.15 bilyong dolyares (759.77 bilyong yuan) ang non-financial ODI.
Noong 2020, umabot sa 17.79 bilyong dolyares ang non-financial ODI ng mga kompanyang Tsino sa 58 bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at ito ay lumago ng 18.3% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. 141.46 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kontrata ng mga bagong nakontratang proyekto sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Inilabas din nang araw ring iyon ang datos ng service outsourcing ng Tsina. Mabilis at malusog na umuunlad ang industriya ng service oursourcing ng bansa, at sa kauna-unahang pagkakataon, lumampas sa 100 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagpapatupad ng offshore service outsourcing.
Salin: Vera