Nitong Miyerkules, Enero 20, 2021, nanumpa sa tungkulin si bagong halal na Pangulong Joe Biden ng Amerika. Pinag-uukulan ng mga tagalabas ng pansin kung bubuuin o hindi ng bagong pamahalaang Amerikano ang obdyektibo’t mahinahong kaalaman sa Tsina, at itatakda ang makatarunga’t pragmatikong patakaran sa Tsina.
Nitong nakalipas na 4 na taon, nakaranas ng napakahirap na panahon ang relasyong Sino-Amerikano. Ang dahilan ay ang kaisipang cold war at pagkiling na ideolohikal ng ilang pulitikong Amerikano. Itinuturing nila ang Tsina na “pinakamalaking banta,” dinudungisan ang sistemang pulitikal ng Tsina, sinusugpo ang pag-unlad ng mga kompanyang Tsino, at madalas na hinahanap ang paglampas sa redline sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahalagang pagkabahala ng Tsina.
Ang paggagalangan ay nananatiling susi ng relasyon ng malalaking bansa. Dahil sa ilang kilos ng mga pulitikong Amerikano nitong nakalipas na 4 na taon, ang hindi paglampas ng bagong pamahalaan ng Amerika sa baseline ay nagiging paunang kondisyon ng pagpapasulong sa pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas.
Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, ang pagtatayo ng kapuwa panig ng angkop na tsanel at mekanismo ng pag-uugnayan, at pagpapadala ng positibong signal ng pagpapabuti ng relasyon ay mga pragmatikong hakbangin sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon.
Sa katunayan, napakalaki ng espasyo ng kooperasyon ng Tsina at Amerika sa mga larangang gaya ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, pagpapanumbalik ng kabuhayan, pagbabago ng klima at iba pa. Ito rin ang mabisang paraan upang muling itayo ang pagtitiwalaan ng magkabilang panig.
Napapatunayan ng katotohanan na kung hahakbang tungo sa gitna ang Tsina at Amerika, magkasama nilang isagawa ang mga bagay-bagay na makakabuti sa daigdig; kung magiging ostilo ang dalawang bansa, makakapinsala rin ito sa kapakanan ng mga mamamayan ng daigdig.
Iminungkahi na ng panig Tsino ang pagpapasigla at pagbubukas ng lahat ng mga tsanel ng diyalogo, at pagsasagawa ng kooperasyon sa paglaban sa pandemiya. Inaasahang kapwa di magmamatigas ang Amerika sa Tsina, at magkasamang susulat ng bagong kabanata ng relasyong Sino-Amerikano. Hindi lamang ito umaangkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi kinakailangang pananagutan din ng malalaking bansa sa daigdig.
Salin: Vera