Ayon sa estadistika ng Kagawaran ng Paggawa ng Amerika, sa loob ng isang linggo mula noong Enero 3 hanggang Enero 9, 2021, umabot sa 965 libo ang bilang ng mga Amerikano nag-aplay sa kauna-unahang pagkakataon ng unemployment benefit. Nitong nakalipas na ilang linggo, ang bilang na ito ay nananatiling mataas, at lubos na mas malaki kaysa halos 200 libo, bago ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Samantala, ayon naman sa isa pang estadistika, hanggang noong katapusan ng 2020, umabot sa halos 4 na trilyong US dollars ang kabuuang kayamanan ng mahigit 600 bilyonaryo ng Amerika. Ang halagang ito ay lumaki ng halos 1 trilyong US dollars kumpara sa halaga noong Marso 2020.
Ipinakikita ng dalawang estadistikang ito ang lumalaking agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Amerika.
Sa panahon ng pandemiya, nakikinabang ang mga mayamang Amerikano sa pagtaas ng stock market na dulot ng quantitative easing na isinasagawa ng pamahalaan, at ibayo pang lumalaki ang kani-kanilang kayamanan. Nangunguna rin sila sa pagtetest ng virus at pagbabakuna.
Samantala, nawawalan ng trabaho ang parami nang paraming mahihirap na Amerikano. At hindi nila kayang tustusan ang gastusin sa pagkain at serbisyong medikal.
Tinukoy ng isang iskolar na Britaniko, na ang pagsasagawa ng pamahalaang Amerikano ng mga neoliberalism policy ay ugat ng malubhang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Amerika. Ang pamahalaang Amerikano ay naging tagapagkanlong at tagapagsalita sa interes ng mga mayayaman, at binabalewala nila ang kapakanan ng mga mahihirap.
Ang di-malulutas na napakalaking agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap ay estruktural na krisis sa lipunan ng Amerika. Dahil dito, naging malungkot na biro ang pagkakapantay-pantay at katarungan na laging ipinopropaganda ng mga politikong Amerikano.
Salin: Liu Kai