Ayon sa ulat nitong Biyernes, Enero 22, 2021, ng Lunar Exploration and Space Program Center ng China National Space Administration, natapos nitong Miyerkules ang takbo ng lander at rover ng Chang'e-4 probe sa ika-26 na lunar day, at inilagay ang mga ito sa dormant mode, habang sumasapit ang bagong lunar night.
Hanggang sa kasalukuyan, ang Chang'e-4 probe ay nananatili sa far side ng Buwan sa loob ng 749 na araw, at umabot sa 628.47 metro ang layo ng pagbiyahe ng rover.
Salin: Liu Kai