Tsina: Wala dapat masamang kompetisyon ang mga bansa sa isyu ng bakuna kontra COVID-19

2021-01-26 15:19:33  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Lunes, Enero 25, 2021, sinabi ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagpili kung anong uri ng bakuna kontra coronavirus ang gagamitin ay sariling desisyon ng iba’t ibang bansa. Aniya, hindi dapat magkaroon ng masamang kompetisyon sa isyung ito, at higit sa lahat, huwag sanang isagawa ang umano’y komprontasyon.
 

Ayon sa ulat, sinabi ng isang opisyal ng pamahalaang Indiano na sa darating na ilang linggo, ipagkakaloob ng India ang ilampung milyong dosis na bakuna kontra coronavirus sa mga bansa sa Timog Asya. Itinuturing ng ulat ng media ang naturang aksyon ng India na komprontasyon laban sa Tsina, sa pamamagitan ng “vaccine diplomacy.”
 

Kaugnay nito, sinabi ni Zhao na ang bakuna laban sa COVID-19 ay pandaigdigang produktong pampubliko. Patuloy na pasusulungin aniya ng panig Tsino ang patas na distribusyon at paggamit ng bakuna sa buong mundo, para makapaghatid ng benepisyo sa mas maraming tao.
 

Salin: Vera

Please select the login method