Ipinatalastas nitong Linggo, Enero 24, 2021 ni Hala Zayed, Ministro ng Kalusugan at Populasyon ng Ehipto, na magmula Enero 25, 2021, nagsimula na ang pag-iiniksyon ng bakunang gawa ng Sinopharm ng Tsina kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mga doktor at nars sa lahat ng mga pampublikong ospital, grupong pulisya at sandatahang lakas.
Saad ni Zayed, natapos na ang rehistrasyon ng bakuna ng Sinopharm sa Kawanihan ng Pangangasiwa sa Gamot ng Ehipto, at ipapatupad ang rehistrasyon ng 3 iba pang uri ng bakuna kontra COVID-19 sa darating na ilang araw.
Bukod dito, ipinarereserba aniya ng kanyang bansa ang 100 milyong dosis ng bakuna, sa pamamagitan ng mga tsanel na gaya ng Global Alliance for Vaccines and Immunization (GAVI).
Ayon naman kay Mohamed Ahmed Ali, Propesor ng Virology ng Pambansang Sentro ng Pananaliksik ng Ehipto, isinagawa ng Sinopharm ang human clinical trial ng bakuna kontra COVID-19 sa Ehipto, at may kompiyansa siya sa kaligtasan at episyensiya ng nasabing bakuna.
Salin: Vera
Di-patas na pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19, ikinababahala
Ikalawang pangkat ng bakuna ng Tsina kontra COVID-19, darating ng Turkey
Indonesya, magagawa ang bakuna kontra COVID-19 pagkaraang ilipat ng kompanyang Tsino ang teknolohiya
Ministro ng Kalusugan ng Serbia, binakunahan ng Chinese vaccine
Jordan, sisimulan ang malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19; bakuna ng Sinopharm, gagamitin