Pangulong Tsino at Punong Ministro ng Dominica, nag-usap sa telepono; ugnayan sa maraming larangan, susuportahan

2021-01-26 14:35:16  CMG
Share with:

Tinawagan nitong Lunes, Enero 25, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Punong Ministro Roosevelt Skerrit ng Dominica.
 

Ipinagdiinan ni Xi na sa harap ng biglaang paglitaw ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), magkakapit-bisig na pinupuksa ng Tsina at Dominica ang pandemiya, bagay na nagpapakita ng malalimang pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
 

Aniya, patuloy at puspusang kakatigan ng panig Tsino ang multilateral na paglaban sa pandemiya, ipagkakaloob ang tulong at suporta sa mga umuunlad na bansang kinabibilangan ng Dominica, at gagawin ang ambag para sa madaling pagkakaroon at murang pagbili ng bakuna.

 

Saad naman ni Skerrit, aktibong sasali ang kanyang bansa sa konstruksyon ng Belt and Road, at pasusulungin ng walang humpay ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Dominica, at relasyon ng Tsina at mga bansang Caribbean.
 

Salin: Vera

Please select the login method