Sa pamamagitan ng video link, nakipagtagpo Biyernes, Enero 29, 2021 si Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina sa mga kinatawang Amerikano na kalahok sa Ika-12 round ng Annual U.S.-China CEO & Former Senior Officials' Dialogue.
Saad ni Wang, ang relasyong Sino-Amerikano ay may kinalaman sa kasaganaan at katatagan ng daigdig. Aniya, sa pangmalayuang pananaw, may kontradiksyon at komong kapakanan ang panig Tsino’t Amerikano. Napapatunayan ng kasaysayan na mas marami ang kooperasyon ng dalawang bansa kaysa sagupaan, at mas malaki ang komong kapakanan kaysa alitan.
Diin ni Wang, ang pagpopokus sa kooperasyon, at pangangasiwa’t pagkontrol sa alitan ay naging susi ng pagpapasulong sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Inihayag naman ng mga kinatawang Amerikano na aktibong pasusulungin ng sirkulo ng industriya at komersyo ng Amerika ang pagpapalakas ng bagong pamahalaang Amerikano ng pakikipagdiyalogo at pakikipagpalitan sa Tsina.
Salin: Vera