Tsina, umaasang igagalang ng mga bansa sa labas ng rehiyon ang pagsisikap ng mga bansa sa Timog-silangang Asya

2021-01-29 15:00:56  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap kamakailan sa telepono sa Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, sinabi ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na tinututulan ng kanyang bansa ang pag-angkin ng Tsina sa rehiyon ng South China Sea na lampas sa pandaigdigang batas. Papanig aniya ang Amerika sa mga bansa sa Timog-silangang Asya.
 

Kaugnay nito, inihayag nitong Huwebes, Enero 28, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang lubos na igagalang ng mga bansa sa labas ng rehiyon ang ginagawang pagsisikap ng Tsina at mga bansa sa rehiyon para sa maayos na paghawak sa mga kontradiksyon at alitan sa dagat, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
 

Saad ni Zhao ang soberanya, karapatan at kapakanan ng Tsina sa nasabing karagatan ay binuo sa proseso ng mahabang kasaysayan, at umaangkop ito sa pandaigdigang batas at praktikang pandaigdig.
 

Buong tatag aniyang pinangangalagaan ng Tsina ang sariling teritoryo, soberanya, at karapata’t kapakanang pandagat, nagpupunyagi para sa mapayapang pagresolba sa mga alitan sa pamamagitan ng talastasan at pakikipagsanggunian sa may direktang kinalamang bansa, at ipinagtatanggol, kasama ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng South China Sea.
 

Salin: Vera

Please select the login method