Sa kanyang talumpati sa katatapos na Davos Agenda ng World Economic Forum (WEF), sistematikong inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang simulain at paninindigan ng Tsina sa pagkukumpleto ng global governance, batay sa diwa ng multilateralismo.
Maliwanag na tinukoy ni Xi na dapat mahigpit na sundin ang international rule of law, at buong tatag na pangalagaan ang sistemang pandaigdig na ang nukleo nito ay United Nations (UN) at kaayusang pandaigdig na ang batayan nito ay pandaigdigang batas.
Diin ni Xi, dapat pangasiwaan ang komunidad ng daigdig, ayon sa mga alituntunin at komong palagay na narating ng iba’t ibang bansa, sa halip ng pag-didikta ng iisa o ilang bansa.
Kaugnay ng isyung kung paanong malulutas ang agwat ng pag-unlad sa pagitan ng katimugan at kahilagaan, iniharap ng pangulong Tsino na dapat ipagkaloob ng komunidad ng daigdig ang kinakailangang suporta sa mga umuunlad na bansa, igarantiya ang lehitimong karapatan at kapakanang pangkaunlaran ng mga umuunlad na bansa, at hayaan ang mga mamamayan ng iba’t ibang bansa na magkasamang magtamasa ng pagkakataon at bungang pangkaunlaran.
Hinggil sa mga mainit na paksa ng global governance na gaya ng kalusugang pampubliko, pagbabago ng klima at iba pa, ipinagdiinan ni Pangulong Xi na dapat patingkarin ang papel ng World Health Organization (WHO), talakayin at itakda ang alituntunin ng global digital governance, ipatupad ang Paris Agreement at iba pa.
Muling nangako siyang masigasig na isakatuparan ng Tsina ang target sa pagdating sa peak value ng pagbuga ng karbon at carbon neutrality.
Ang pagkukumpleto sa global governance ay hindi isang misyong maisasakatuparan sa maikling panahon. Kung igigiit ng iba’t ibang panig ang multilateralismo, malawakang pagsasanggunian, at pagtitipun-tipon ng komong palagay, saka lamang mapapasulong ang pagkukumpleto ng global governance sa tumpak na direksyon. Mas aktibong sasali ang Tsina sa prosesong ito, upang gawin ang sariling ambag sa magandang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera