Tsina, nakahandang makipagkooperasyon sa Amerika upang mapalakas ang pag-uugnayan

2021-02-02 15:02:30  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, nakipagdiyalogo ngayong Martes, Pebrero 2, 2021 si Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa National Committee on U.S.-China Relations.
 

Saad ni Yang, nasa masusing panahon ngayon ang relasyong Sino-Amerikano, at nahaharap ito sa bagong pagkakataon at hamon.
 

Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Amerikano, upang mapasulong ang pag-unlad ng bilateral na relasyon, sa landas na walang sagupaan at komprontasyon at may paggagalangan, kooperasyon at win-win situation.
 

Kasabay nito, patuloy at buong tatag na ipagtatanggol aniya ng Tsina ang soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa.
 

Umaasa siyang tumpak na pakikitunguhan ng panig Amerikano ang Tsina, at magpupunyagi, kasama ng Tsina, para mapanumbalik ang normal na pagpapalitan, maayos na hawakan ang kontradiksyon at alitan, at isagawa ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
 

Ipinahayag naman ng mga personaheng Amerikano na may mahalagang katuturan para sa dalawang bansa at buong daigdig ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at Amerika. Inaasahan niyang hahakbang tungo sa gitna ang kapuwa panig, para pasulungin ang pag-unlad ng bilateral na relasyon tungo sa tumpak na direksyon.
 

Salin: Vera

Please select the login method