Ipinatalastas nitong Miyerkules, Pebrero 3, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kahilingan ng World Health Organization (WHO), ipagkakaloob ng Tsina ang 10 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Vaccines Global Access (COVAX), para makatugon sa pangkagipitang pangangailangan ng mga umuunlad na bansa.
Saad ni Wang, ito ay isa pang mahalagang hakbangin ng Tsina sa pagpapasulong sa patas na distribusyon ng bakuna, pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon laban sa pandemiya, at pagpapatupad ng ideya ng komunidad na may komong kalusugan ng sangkatauhan.
Umaasa aniya siyang aktibong aaksyon ang mga may kakayahang bansa upang katigan ang COVAX, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, suportahan ang mga gawain ng WHO, tulungan ang mga umuunlad na bansa upang napapanahong makakuha ng bakuna, at gawin ang kinakailangang ambag para sa pagpuksa sa pandemiya sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera