90% ng konstruksyon ng pangunahing bahagi ng Binondo-Intramuros (B-I) Bridge ang tapos na. Ang naturang tulay ay itinatayo sa tulong ng Tsina. Inaasahang magbubukas sa publiko ang tulay sa loob ng taong ito.
Napag-alaman ito mula sa pagbisita sa proyekto ng B-I Bridge na ginawa nitong Pebrero 4, 2021, nina Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas, at Kalihim Mark Villar ng Department of Public Works and Highways.
Ang proyekto ng B-I Bridge ay flagship project sa ilalim ng program "Build, Build, Build" ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang naturang two-way, four-lane na tulay ay tumawid ng Pasig River, at nag-ugnayan ng Binondo at Intramuros.
Kapag nagbukas sa publiko, seserbisyohan ng tulay ang mahigit sa 30,000 sasakyan bawat araw, at paluluwagin ng malaki ang masikip na daloy ng trapiko sa magkabilang bahagi ng Pasig River.
Samantala, ang kaakit-akit na hugis arko ng tulay ay magiging bagong magandang tanawin sa lugar na ito.
Salin: Liu Kai
Pagdalaw ni Wang Yi sa Pilipinas, nagpapakita ng katapatan at pagpapalakas ng pagtutulungan
Kasunduang komersyal ng Samal Island-Davao City Connector Project na popondohan ng Tsina, nilagdaan
Mahigit 500,000, kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
Porum at gantimpala sa pagpapalakas ng relasyon, inilunsad ng Pilipinas at Tsina