CMG Komentaryo: Demokratikong alyansa na pinipilit itayo ng panig Amerikano, isang katatawanan

2021-02-08 16:42:07  CMG
Share with:

Maliwanag na makikita sa talumpati kamakailan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika hinggil sa patakarang panlabas at mga hakbang ng grupong diplomatiko ng bansa ang isang mahalagang impormasyon: muling bubuuin ng bagong pamahalang Amerikano ang alyansang magpapahalaga sa “demokrasya,” at sa ilalim nito, muling isusulong ang pagtatayo ng alyansa para masugpo ang Tsina.
 

Kaugnay nito, sinabi Pebrero 5, 2021 ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya na kahit may maraming komong palagay ang Europa at Amerika, kailangan pa rin ng Europa ang isang independiyenteng patakaran sa Tsina.
 

Inihayag naman Pebrero 4 ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya na may komong pagpapahalaga ang Unyong Europeo (EU) at Amerika, subalit hindi dapat labanan ng EU ang Tsina, bilang pagsunod sa Amerika.
 

Ang nasabing mga pahayag ay nagpapatunay sa kuru-kuro ng magasing News Week ng Amerika, na hindi kaakit-akit para sa Europa ang ideyang Amerikano na magtatag ng “values alliance,” lalung-lalo na, ipinagmamalaki at isinusulong nito ang kahalagahan ng ideya ng demokrasya.
 

Ang pagsiklab ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagbunyag sa mapagkunwaring esensya ng “plastic alliance” ng Amerika at Europa.
 

Sa kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19, hinarang ng kapuwa panig ang mga materyal laban sa pandemiya na dapat sana ay para sa isa’t isa, at nag-agawan din sila sa bakuna.
 

Dahil dito, naibunyag ang kasakiman ng di-umano ay “values alliance.”
 

Tulad ng sabi ni Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, isang kamang-mangan ang pagbuo ng alyansa na nakatuon sa takdang bansa.
 

Isang di-mababagong tunguhin ng kasaysayan at komong mithiin ng mga mamamayan ang pagtatakwil sa pagkiling na ideolohikal, pagkontrol sa alitan at pagpokus sa kooperasyon.
 

Salin: Vera

Please select the login method