Tianwen-1 ng Tsina, nakatakdang bumago ng trayektorya palibot ng Mars

2021-02-15 15:35:55  CMG
Share with:

 

Ang Tianwen-1, unang Mars probe ng Tsina ang nakatakdang baguhin ngayong araw ang trayektorya nito palibot ng Planetang Pula.

 

Pagkaraan ng pagbabago, iikot patayo ang probe sa Mars, at makikita rin nito ang Polong Hilaga at Polong Timog ng Mars.

 

Pumasok ang Tianwen-1 sa orbita ng Planetang Pula noong Pebrero 10, 2021, makaraan ang halos pitong buwang biyahe mula sa Mundo.

 

Salin: Jade 

Please select the login method