Unang Mars probe ng Tsina, pumasok sa orbita ng planetang pula

2021-02-10 21:46:36  CMG
Share with:

Unang Mars probe ng Tsina, pumasok sa orbita ng planetang pula_fororder_Mars

Pumasok ang Tianwen-1, unang Mars probe ng Tsina  sa orbita ng Planetang Pula ngayong araw, Pebrero 10, 2021, ayon sa China National Space Administration (CNSA).

 

Ipinakikita nitong ang Tianwen-1, bilang kauna-unahang man-made Mars satellite ng Tsina ay nagsakatuparan ng unang pakay ng tatlong-yugto nitong misyon, na kinabibilangan ng pag-oorbita o orbiting, paglalapag o landing, at paglilibot o roving.

 

Ang Tianwen-1 ay inilunsad noong Hulyo 23, 2020. Naka-iskedyul itong lumapag sa Mars sa darating na Mayo o Hunyo. Pagkatapos nito, magsisimula itong maglibot at maggalugad sa Planetang Mars.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method